UP KAPPP


UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino (UP KAPPP)

KAPPP Logo 2013 sponsorship.jpg
Itinatag Hulyo 3, 2000
Mga Salita Makatotohanan. Makabuluhan.

Makabayan.

Punong Himpilan Palma Hall, University of the Philippines, Diliman Quezon City, Philippines 1101
Website http://www.fb.com/upkappp
SANGGUNIANG TAGAPAGPAGANAP
A.T. 2015-2016
Supremo Marcel Bolinao
Katalonan Aileen del Mundo
Sugo Nicole Sacman
Kalihim Miqa Paz
Umalohokan Matthew Dayday
Ingat-Yaman Tom Hinlo
Punong Mananaliksik Ardyn Gonzales
Gurong Tagapayo Aaron Mallari

Ang UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino o UP KAPPP ay isa sa mga pang-kolehiyong akademikong organisasyon sa College of Social Sciences and Philosophy o CSSP para sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Pangunahing sinusulong nito ang multi-disiplinaryong pag-aaral ng Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino.


Pagkakatatag


Nakaugat ang kasaysayan ng UP KAPPP sa adhikain ng BUKLOD CSSP na maisulong ang isang multi-disiplinaryong pag-aaral ng Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino; mapalakas ang paglahok sa mga gawaing pulitikal; at sa pangkalahatan, mapaglingkuran ang kolehiyo, unibersidad, at sambayanang Pilipino. Ito ang naging dahilan upang mabuklod ang mahigit 50 mag-aaral ng UP College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) para umpisahan ang pagtatag ng organisasyon noong Hulyo 2000.

Sa pangunguna nina Ja’pee de Leon, Pangulo ng BUKLOD CSSP; Mary Rose Rodriguez, History Representative sa CSSP Student Council, at Atoy Navarro, Gurong Tagapayo ng BUKLOD CSSP; binalangkas ang Saligang Batas ng organisasyon na pinagtibay ng mga kasaping tagapagtatag noong Hunyo 2000. Matapos ito, agad na naganap ang Unang Pangkalahatang Eleksyon para sa pamunuang tagapagtatag ng organisasyon para sa Akademikong Taon 2000-2001. Dahil sa wala pang ipinagkakaloob na tambayan, nangyari ang eleksyon sa tambayan ng UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS) kung saan nahalal sina Mary Rose Rodriguez (Kasaysayan) bilang Suprema, Paul Allan Cruz (Sosyolohiya) bilang Pangalawang Supremo, Paul Andrew Gorgonio (Agham Pampulitika) bilang Kalihim, Lisette Gaspar (Sosyolohiya) bilang Ingat-Yaman, at Ma. Carolina Perez (Sikolohiya) bilang Punong Mananaliksik. Naglilingkod naman bilang Gurong Tagapayong Tagapagtatag si Atoy Navarro.

Mga Lupong Pang-Organisasyon


Ang Sangguniang Tagapagpaganap o ST ang pangunahing tagapangasiwa ng UP KAPPP. Ito ay binubuo ng Supremo, Katalonan, Sugo, Kalihim, Umalohokan, Ingat-Yaman at Punong Mananaliksik.

Ang Lupon para sa Usaping Panloob o LOOB ang tagapamahala ng proseso ng aplikasyon,reapirmasyon, resignasyon, suspensyon at ekspalsyon. Ito ang nagpapanatili ng kantidad at kalidad sa mga kasapi ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Direktor para sa Usaping Panloob.

Ang Lupon para sa Usaping Panlabas o LABAS ang pangunahing tagapamahala ng lahat ng ugnayan sa UP KAPPP Alumni, sa loob at labas ng kolehiyo at pamantasan, sa isponsors, at sa iba pang mga ugnayang panlabas. Pinamumunuan ito ng Direktor para sa Usaping Panlabas.

Ang Lupon para sa Dokumentasyon at Aklatan o LuDAk ang gumaganap bilang pangunahing tagapagsadokumento at tagatala ng takbo ng mga gawain at pagkilos ng organisasyon. Ito rin ang pangunahing tagapaglikom, tagasinop at tagapag-ingat ng mga kasulatan, lathalain at iba pang materyales na pang-organisasyon. Pinamumunuan ito ng Kalihim.

Ang Lupon para sa Pamamahayag at Publisidad o LuPaPu ang gumaganap bilang pangunahing tagapamahala sa paglalabas ng mga publisidad ng organisasyon. ito rin ang pangunahing tagapangalaga ng sulat-balitaan at ng website accounts ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Umalohokan.

Ang Lupon para sa Lohistika at Pananalapi o LuPapi ang gumaganap bilang pangunahing tagapundar ng suporta at tulong panglohistika para sa mga pangangailangan ng organisasyon. Ito rin ang may hawak ng responsibilidad sa pagpapananatili ng kaayusan ng mga pagkilos at mga pagmamay-ari ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Ingat-Yaman.

Ang Lupon para sa Edukasyon at Pananaliksik o LupEPa ang gumaganap bilang pangunahing tagapagsagawa at tagapamahala ng mga pananaliksik sa mga isyu't usaping pang-Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino. Ito rin ang namamahala sa mga pag-aaral at pagsasanay ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Punong Mananaliksik.

Kasapian


KAPPPips 2015-2016
Pangalan Palayaw Antas at Kurso
Sylina Mari Alcazar Sylina III BS Business Economics
Lorenzo Martin Alvendia Enzo III BA Sociology
Shaina Mae Antonio Shai II BS Geography
Kathleen Babasa Kath III BA Political Science
Ma Regina Angelica Bagaforo Reg III BA Political Science
Darlene Gayle Baltazar Darla II BS Psychology
Kristina Abigail Boado Tina IV BA Sociology
Andre Marcel Bolinao Marcel IV BA Psychology
Chloe Brijuega Chloe II BA Psychology
Precious Nicole Bugayong Precious IV BA Sociology
Joshua Cabalquinto Josh II BA Psychology
Diane Alexandra Cabel Alex II BS Business Administration
Kurt John Michael Cabujat Kurt II BS Psychology
Ellaisa Isabel Carandang Lia II BS Psychology
Ruth Anna Julia Castro Bernice IV BA Creative Writing
Mariel Louise Cunanan Mariel II BA Psychology
Maria Constancia Fretelin David Fret II BS Psychology
Rio Henri Dayao Rio II BS Economics
Czar Matthew Gerard Dayday Matthew II BA Psychology
Aileen Janelle del Mundo Ai II BA Anthropology
Jon Alec Eclipse Alec II BS Psychology
Patricia Gabriel Tisha III BS Psychology
Philippe Jefferson Galban Jeff II BS Psychology
Christian Pio Gawaran Pio IV BA Sociology
Ardyn Albert Gonzales Ardyn IV BA Philippine Studies
Christian Dave Gonzales Dave III BS Economics
Tom Paolo Hinlo Tom III BA Psychology
Ian James Jaurigue Ian I BS Food Technology
Regina Rose Jocom Redge II BS Psychology
Aubrey Shieldan Lagbas Aubrey IV BA Political Science
Isah Clarise Lilia Isah III BA Political Science
Alson Vincent Lim Jr. Alson I BS Business Administration & Accountancy
Kyle Elijah Lucido Kyle II BS Psychology
Kathea Franchesca Maclang Kathea II BS Business Economics
Shiela Marie Malabanan Shiela IV BA Political Science
Eunice Malayo Eunice III BA Political Science
Ellen Jamila Manalang Ellen II BS Psychology
Ryan Ralph Nicolas Ryan III BA Political Science
Miqaella Paz Miqa II Broadcast Communication
Clarisse Anne Peralta Clarisse III BA Psychology
Lorenzo Miguel Relente Renzo II BA Psychology
Nicole Keith Sacman Nicole III BS Psychology
Shaina Marie Santos Sha III BA Pilosopiya
Paula Pamela Tuaño Paula III BS Psychology
Matthew Kelby Uy Huang Chi-Chiang Kelby IV BA Political Science


KAPPPips sa Pakantert Anniv Night 2014

UP KAPPP sa mga Konsehong Pangmag-aaral


Ang UP KAPPP ay kilala rin bilang isa sa mga organisasyon sa CSSP na pinakaaktibo sa pagpapatakbo sa taunang eleksyon para sa University Student Council at College of Social Sciences and Philosophy Student Council. Kamakailan lamang din ay naging bahagi na rin ang ilang KAPPPips sa School of Economics Student Council.

UP KAPPP sa USC, CSSPSC at SESC
Pangalan Katungkulan
2001-2002
Joseph Anthony Lachica CSSP Representative to the USC
Ma. Carolina "Len" Perez CSSPSC Chairperson
Paul Allan Cruz CSSPSC Councilor
Paul Andrew Gorgonio CSSPSC Councilor
Mary Rose Rodriguez CSSPSC Councilor
Mc Ronald "McRhon" Banderlipe History Department Representative
Daly Caturan Linguistics Department Representative
Jan Japheth Monis Philosophy Department Representative
Christine Anne "Tintin" de Villa Psychology Department Representative
2002-2003
Ryan Caparas USC Councilor
Christine Anne "Tintin" de Villa CSSPSC Chairperson
Jan Japheth Monis CSSPSC Vice-Chairperson
Karen Sarinas CSSPSC Secretary-General
Wendell Langdet CSSPSC Councilor
Katrina "Nina" de Leon CSSPSC Councilor
Rae Ann Ramos Psychology Department Representative
Cathy Villena Sociology Department Representative
2003-2004
Mc Ronald "McRhon" Banderlipe CSSPSC Secretary-General
Andre Verastigue CSSPSC Councilor
2004-2005
Alesandra Maria Anna "Arianne" Reyes CSSPSC Secretary-General
2005-2006
Alesandra Maria Anna "Arianne" Reyes CSSPSC Chairperson
Pauline Agatha "Pau" Caspellan CSSPSC Secretary-General
Joseph "Tacio" Basconcillo Geography Department Representative
2006-2007
Joseph "Tacio" Basconcillo CSSPSC Councilor
2007-2008
Graciello Timothy "G.T." Reyes CSSPSC Councilor
2008-2009
Graciello Timothy "G.T." Reyes CSSPSC Vice-Chairperson
April Gayle Soller SCSSPSC Secretary-General
2009-2010
Kristine “Tin” Borja CSSP Representative to the USC
Ranulfo “Oyie” Javelosa III CSSPSC Councilor
Celliza Marie “Elliz” Rances CSSPSC Councilor
2010-2011
Kristine “Tin” Borja USC Councilor
Ranulfo “Oyie” Javelosa III CSSPSC Chairperson
Mabel Ogoshi CSSPSC Vice-Chairperson
Adrian Baccay CSSPSC Councilor
2011-2012
Ginelle "Ginx" B. Petterson CSSPSC Secretary-General
Lazaro Kevin “Arrow” G. Pabiona Anthropology Department Representative
2012-2013
Chris Erwin "Chris" Alquizalas CSSPSC Councilor
Walter Martin Sumakwel "Walter" Tamayo History Department Representative
Christine Anne "Anne" Trajano SESC Marketing Councilor
Darrell John "Darrell" Magsambol SESC Students' Rights and Welfare Councilor
2013-2014
Chris Erwin "Chris" Alquizalas CSSP Representative to the USC
Maria Veronica "V" Manalo CSSPSC Vice-Chairperson
Walter Martin Sumakwel "Walter" Tamayo CSSPSC Secretary-General
Ed Laurenz "Renz" Noveloso CSSPSC Councilor
Patricia Mae "Trixie" Peralta CSSPSC Councilor
Allan "Allan" Pangilinan CSSPSC Councilor
Kris Sarah "Kris" Jeruta Political Science Department Representative
Darrell John "Darrell" Magsambol SESC Chairperson
Christine Anne "Anne" Trajano SESC Councilor for Secretariat
2014-2015
Maria Veronica "V" Manalo USC Councilor
Walter Martin Sumakwel "Walter" Tamayo USC Councilor
Adolfo "AJ" Montesa USC Councilor
Allan "Allan" Pangilinan CSSPSC Representative to the USC
Ed Laurenz "Renz" Noveloso CSSPSC Chairperson
Patricia Mae "Trixie" Peralta CSSPSC Vice-Chairperson
Jairus "Jai" Espiritu CSSPSC Councilor
Kris Sarah "Kris" Jeruta CSSPSC Councilor
Fritzie Marie "Faye" Mamawag CSSPSC Sociology Department Representative
Malou "Malou" San Luis SESC Students' Rights and Welfare Councilor
Christian Dave "Dave" Gonzales SESC Sophomore Batch Representative
2015-2016
Adolfo "AJ" Montesa USC Vice Chairperson
Vince Renzo "Vince" Liban USC Councilor
Allan "Allan" Pangilinan USC Councilor
Viktor Andre "Viko" Fumar USC Councilor
Christian Dave "Dave" Gonzales SESC Representative to the USC
Aubrey Shieldan "Aubrey" Lagbas CSSPSC Chairperson
Clarisse Anne "Clarisse" Peralta CSSPSC Councilor
Kristina Abigail "Tina" Boado CSSPSC Councilor
Ryan Ralph "Ryan" Nicolas CSSPSC Councilor
Shaina Marie "Sha" Santos CSSPSC Councilor

Mga Gawain


Mga Kampanya

Sa paglipas ng mga taon, iba-ibang kampanya na ang dinala ng UP KAPPP sa antas pangkolehiyo, pang-unibersidad at pansambayanan. Ang ilan sa mga ito ay ang Indigenous Peoples' Rights, ang Freedom of Information, ang LGBT Rights, ang Campus Security, ang Students' Rights and Welfare, ang Pagreporma sa STFAP, at ang Voters' Education.


Mga KAPPPihan sa Pagsasapilipino

Hanay sa layunin ng UP KAPPP na magsulong ng multi-perspektibong pag-aaral ng Pilipinong Agham Panlipunan at Pilosopiya, nabuo ang konsepto ng "KAPPPihan sa Pagsasapilipino", kung saan ang mga kasapi ng UP KAPPP at ilang kinatawan ng iba pang organisasyong may kinalaman sa paksa ay magtitipon at magpapalitan ng kaalaman. Ito ay may apat na bahagi: Pagpapakilala; Palitan ng Kaalaman; Kainan, at; Batuhan ng Katanungan.

Isang halimbawa ng Random ED poster.

Mga Regular na KAPPPihan

Maliban sa Pagsasapilipino ng mga Agham Panlipunan at Pilosopiya, tinatalakay din ng UP KAPPP sa pamamagitan ng mga KAPPPihang ito ang mga napapanahong isyu sa bansa na ginagamitan ng maka-Pilipinong lente.

Buwan ng Anibersaryo

Ang Buwan ng Anibersaryo ay ginaganap sa buwan ng Oktubre kung kailang ginaganap din ang Pandaigdigang Buwan para sa mga Katutubo.

Anniv Eksibit

Ang Anniv Eksibit ay ang opisyal na taunang eksibit ng UP KAPPP na nagsisilbing daan upang mas makilala pa ng karamihan ang kalikasan at kasapian ng organisasyon. Itinatayo ito sa AS Lobby sa unang linggo ng Hulyo, Martes hanggang Biyernes.

Pista ng Pagkaing Pilipino

Ang Grand Pakain, kasalukuyang tinatawag na Pista ng Pagkaing Pilipino, ay ang pagdiriwang ng pagkakabuo ng UP KAPPP kasama ng iba pang mga bahagi ng komunidad ng U.P. Nagsisilbi rin itong paraan para maitaguyod ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng paghahain ng mga pagkaing sariling atin.

Anniv Palaro

Maaaring sa porma ng tagisan ng talino, o ng palakasan, ang Anniv Palaro ang masayang daan para mas makilala pa ng mga mag-aaral sa labas ng UP KAPPP ang mga makatotohanan, makabuluhan at makabayang adhikain ng organisasyon. Ginaganap ito sa ikalawang linggo ng Hulyo.

Patsuper

Ang Patsuper o Para sa Ating mga Tsuper ay ang pagbibigay-halaga ng organisasyon sa mga magigiting nating mga tsuper ng mga jeep. Ginaganap ito sa ikatlong linggo ng Hulyo kung saan nagpapamigay ng iba't-ibang mga bagay ang KAPPP sa mga tsuper tulad ng tubig, energy drinks, twalya, UP KAPPP stickers, atbp.

Anniv Forum

Ang Anniv Forum ay ang paraan ng UP KAPPP para maiharap ang mga sinusulong ng organisasyon sa mga mag-aaral ng UP sa isang mas pormal na plataporma. Kadalasang paksa ay mga napapanahong kaganapan sa bansa na tinitignan sa maka-Pilipinong perspektibo.

Anniv Night

Ang Anniv Night ang taunang pagtitipon ng lahat ng resident at alumni members ng UP KAPPP. Nagsisilbi itong gabi ng pagsariwa sa kung ano ba ang ibig sabihin ng pagiging kasapi ng UP KAPPP.

"Ikalabing-Apat!" pose sa Pakantert 2014

Pamamahagi ng Freshie Kits

Nakahanay sa prinsipyo ng pagbibigay-kalinga sa mga mag-aaral, ang UP KAPPP ay namamahagi ng mga kalidad na freshie kits sa mga freshmen ng kolehiyo pagsapit ng unang linggo ng pasukan. Naglalaman ito ng mga gabay at kagamitan na malaki ang naitutulong sa mga estudyante sa kanilang mga unang araw sa CSSP.

Alternative Classroom Learning Experience (ACLE)

Ang ACLE ay isang semestral na kaganapan ng University Student Council (USC) kung saan ang mga organisasyon ay lilikha ng mga alternatibong paraan para magbahagi ng mga makabagong kaalaman sa mga estudyante. Ang UP KAPPP ay isang aktibong kontributor sa ACLE.

Ang ACLE ng UP KAPPP tungkol sa pagpapakamatay, 2nd sem ng 2011-2012.

Free ID Photos

Ang Free ID Photo + Juice Sale poster ng first sem ng 2012.

Naging tradisyon na sa UP KAPPP mula noong 2011 ang pamamahagi libreng ID photos sa lahat ng mag-aaral ng unibersidad. Ang gawaing ito ay nakahanay din sa pagbibigay-kalinga ng Kalipunan at ginaganap sa unang linggo ng pasukan.

Mga Ugnayang Panlabas

UP ALYANSA

Buklod CSSP

CSSP Academic Circle

Freedom of Information Bill Youth Initiative

Bonifacio 150 to 150

External Links

UP KAPPP on Facebook

UP KAPPP on Multiply